Biyernes, Oktubre 23, 2015

Mga Estratehiya Sa Pagtuturo


Ipinasa nila:

Paul John Abig
Veronica Acuña
Joyce Anne Alegria
Daisyree Amoroso
Angel Sofia Antioquia

Tricxie Kate Aromin



Flow ng Presentasyon:




I. Ipinrisenta ang tema at nagbigay ng mga kahalagahan at importansya kung bakit ito kailangan. Nagbigay din ng layunin ng seminar. Ito ang ilan sa mga sinabi ng Emsi:


   "Marahil marami dito sa atin ay interesado sa paksang ating tatalakayin ukol sa mga “Estratehiya ng Pagtuturo.” Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo ay napakahalaga lalo na sa mga may kursong Education, ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay makakatulong para mas epektibong makapagturo sa ating mga estudyante. . . . . ."


"Ang layunin ng Seminar na ito ay makapagbahagi ng mga estilo sa pag-tuturo, maipaliwanag kung paano ito maisasagawa, at maipakita ang estilo para mas maintindihan ito. . . . ."


II. Ipinakilala ang nakapanayam na guro na nagpaliwanag at nagbigay ng tips sa mga estratehiya sa pagtuturo.


Experto na nakapanayam: Ginoong Kevin Kerbi Villamor isang guro sa MAPEH sa Dasmarinas East National High School, nagtapos sa Technological University of the Philippines at nagtapos ng kanyang pagkakadalubhasa sa De La Salle University-Dasmarinas.


 III. Pagpepresenta ng Video ng interview interview. 

Pakikipanayam kay Ginoong Kevin Kerbi Villamor:
Transcipt (non verbatim)

Ano-ano po ang mga teaching strategies ang ginamgamit niyo sa pagtuturo na nakikita niyong mas nakukuha yung attensyon at nagiging interasado ang mga bata?

"Walang ideal o walang specific na teaching strategy na maaari mong iapply in a class kasi kung marami kang learners, mayroon yang iba't ibang personality at attitude. Actually, in a long run, process nalang talaga kung anong teaching strategy ang kailangan mong iapply. For example, iba yung teaching strategy ang inapply ko in the higher section, is different from the teaching strategy which I usually apply doon sa mga lower sections ko. . . Kahit gaano ka importante ang sinasabi mo sa isang estudyante at hindi naman sila nakikinig, walang kwenta yun. . . Kailangan makuha mo yung atensyon nila at yung interest nila para makinig sila sayo. . . So mahalaga talaga yung atensyon."

Ano-ano po ang ma teaching strategies ang ginagamit niyo?


"Syempre hindi mawawala yung icebreaker, sorts of motivation, tapos I usually crack jokes not to destruct the students but, para bigyan sila ng buhay. As musch as possible yung mga jokes na yan ay pwedeng maincorporate dun sa topic o subject na dini-discuss mo. . ."


IV. Actual na Leksyon/Demonstrasyon ng Paksa

        Sila Paul John Abig at Veronica Acuña ang mga naging ispiker sa seminar.  Sila ay nagbigay ng demonstrasyon sa mga iba't ibang uri ng estratehiya sa pagtuturo at kung paano ito maisasagawa o mai-aaply ng bawa't guro. Naging masaya ang talakayan ng paksa ng dahil sa buhay sa pagdedemonstra ng mga ispiker.







Humingi din kami ng mga tanong mula sa audience na malinaw namang nasagot ng ating mga ispiker.

V. Pangwakas na Pananalita

"Tayo ay mga magiging guro balang araw, ang pagiging guro ay hindi isang trabaho, yan ay gagawin natin para sa mga bata, para makatulong tayo. Paano tayo mag-tuturo ng maganda? Lagyan natin ng passion, lagyan natin ng pagmamahal. . ."